Tayong mga pinoy, kanin talaga ang staple food, di ba? Kaya, umaga, tanghali, gabi may kanin sa hapag-kainan. Paminsan, naiimpluwensiyahan din naman lalo na kung mahilig talaga sa iba’t ibang uri ng pagkain. Hindi na iba sa inyo ang pagkahilig ko sa pagkaing Hapon, kung pwede lang sana na doon ako tumira sa Japan, naku matagal ko ng ginawa! Pero dahil sa dugong intsik na nananalaytay sa aking asawa at mga anak, hindi din nawawala ang hilig nila sa pagkaing maanghang, at halo halong gulay bukod sa nilahukang kanin…sinangag man o hindi.
Kaya naman isang araw na namamasyal kami sa Greenhills at inabot ng gutom dahil alas- 2 na ay eto at napadpad kami sa Ling Nam, pagkaing patok sa buong pamilya ika nga, kanin pa lang ulam na hehe. Yang Chow kasi! Sulit dahil pananghalian at meryenda in one.
Ito ang plato ko. Yang chow rice, Kung pao chicken at Chopseuy!
—
Kung Meryenda naman, sigurado ako siopao ang isa sa top ng listahan! Masarap na at talagang nakakabusog pa di ba? Naku, kung marunong lang ako gumawa nito aaraw-arawin ko!
Ano pang hinihintay nyo? Halika na at makitakam tayo sa Litratong Pinoy!
Thess says
Ahhhhhhhhhhh YAW ko na tumingin…tutulo na ang laway ko hu hu hu!
emarene says
sarap ng siopao! favorite ko rin yan na pang merienda (at kung minsan tanghalina na rin). nakaka busog talaga!
Willa says
pareho tayo ng fav orderin sa Chowking, i love their chop suey too. and of course the siopao, and i want to add, i love your blog template. neat!!!
an2nette says
mukhang masarap ang siopao, lagi akong nagdadala niyan pagbalik dito sa germany, minsan hapunan ko na yan, nice shots
Mauie says
Paborito kong siopao yung asado. Sabayan pa ng mainit na sabaw ng mami. Yum!
Sana’y magustuhan mo rin ang merienda kong hatid ngayon Hwebes:
Cookie says
naku po…nagutom ako bigla! ganyan din mga anak ko kung mag-merienda…kailangan may kanin. sabagay, halata naman sa katawan nila…hehehe 🙂
carnation says
heavy merienda. ako gusto ko rin siopao, yan lagi order ko sa chinese and dimsum. yong last kong uwi sa phils siopao and boneless bangus lang lagi kong order! ito naman sa akin https://www.maureenflores.com/2009/08/litratong-pinoy-merienda-snack.html
sassy mom says
Ay type ko ang siopao. Madalas kong merienda iyan pag ako’y gumagala sa Greenhills.
somethingpurple says
iba talaga ang tawag sa akin ng siopao! lalo na kung chowking 🙂
Rico says
Masasarap ang iyong handa! Minsan din kapag nag crave kami ng siopao at siomai diretso kami sa pinaka malapit na Hen Lin!
Marites says
pasalubong ko yan lagi noon, ang siopao. Mukhang masarap yan ah.. maligayang LP!
CES says
yang chow palang! solved na ako:) pro ang siopao!!!! humongante!!!:)
luna miranda says
natakam ako sa yang chow! parang yon ang lunch ko mamaya (hehe). mann han—here i come!:P
Lynn says
Parang sarap ng mixed vegetables mo dito ah. At ang siopao, malaki. Asado ang gusto ko. 🙂
yeye says
nakakagutom rarr!
eto naman po ung akin 😀
🙂
HAPPY HUWEBEST KA-LP 😀
Jay - Agent112778 says
ang sarap nung Kung Pao Chix at siopao
salamat sa pag sali sa tema ngayun at sa masarap na komento
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista 🙂
Salamat sa pagbisita 🙂
Dinah says
ha ha meryendang kanin, basta pinoy-posible! at siopao at coke? naku panalo talaga yan!
heto naman ang aming merienda nuong linggo.
christina says
sarap po ng siopao ang laki!!
meryenda po tau..
https://prettystepdaughters.blogspot.com/2009/08/lp-71-merienda.html